As early as July nakapagpabook na kami ng mga kaibigan ko sa Cebu pacific para sa aming bakasyon. Ang aming destinasyon???? Puerto Princesa Palawan...Kakaibang kasabikan na naman ang naramdaman ko. As in excited ang lola. I even planned to wear two piece swimsuit.(hahaha)..kunyari may kayang ipakita kahit puro likod lang. Sayang daw kasi ang view kung hindi mo babagayan ng magandang attire..
Isa ang Puerto Princesa sa lugar na napuntahan ko na napakalinis ng kapaligiran. Bigla tuloy akong nahiya na magkalat. Feeling ko magkamali lang ako ng tapon ng balat ng kendi ay krimen ang magagawa ko. At totoo pala na may parusa ang mahuli na magkalat doon, kahit pa sabihing turista pa.
Nakakatuwang isipin na kahit may krisis sa buong mundo ay nagkaroon pa rin kami ng time na makapagrelax. Kasi naman kung iisipin mo ang problema ng buong mundo, ay naku mawiwindang ka lang at hindi makakahanap ng solusyon. Maybe meron but not enough to solve the global crisis.

Syempre pa hindi pwedeng mawala sa activities ng pagpunta sa palawan ang pamamasyal sa beach..Island hopping sa Honda Bay, wow ibang klase talaga..Kung tutuusin ay napakayaman ng Pilipinas sa pagkakaroon ng mga ganitong lugar at tanawin.

Maari bang mawala sa picture taking ang pagdapa sa buhanginan....mag-ala marina o dyesebel pa..
Mas masaya ang pasyal kung may kasama ka syempre..yun bang you can be out of this world dahil ibang kapaligiran ang kinaroroonan mo.Isa sa dinadayo sa Puerto Princesa ang Crocodile Farm. Na ayon sa mga taga roon ay gobyerno ang namahala. Konti lang ang budget na nilalaan dito kung kaya't sabi nila ang paglaki ng mga buwaya dito ay mabagal. dun namin nkilala si kikay ang alaga ni mang kiko.
Lets support the Underground River to be one of the New Seven Wonders of Nature...Viva Pilipinas..
No comments:
Post a Comment