Saturday, November 22, 2008

next stop...puerto princesa palawan

As early as July nakapagpabook na kami ng mga kaibigan ko sa Cebu pacific para sa aming bakasyon. Ang aming destinasyon???? Puerto Princesa Palawan...Kakaibang kasabikan na naman ang naramdaman ko. As in excited ang lola. I even planned to wear two piece swimsuit.(hahaha)..kunyari may kayang ipakita kahit puro likod lang. Sayang daw kasi ang view kung hindi mo babagayan ng magandang attire..

Isa ang Puerto Princesa sa lugar na napuntahan ko na napakalinis ng kapaligiran. Bigla tuloy akong nahiya na magkalat. Feeling ko magkamali lang ako ng tapon ng balat ng kendi ay krimen ang magagawa ko. At totoo pala na may parusa ang mahuli na magkalat doon, kahit pa sabihing turista pa.


Nakakatuwang isipin na kahit may krisis sa buong mundo ay nagkaroon pa rin kami ng time na makapagrelax. Kasi naman kung iisipin mo ang problema ng buong mundo, ay naku mawiwindang ka lang at hindi makakahanap ng solusyon. Maybe meron but not enough to solve the global crisis.



Syempre pa hindi pwedeng mawala sa activities ng pagpunta sa palawan ang pamamasyal sa beach..Island hopping sa Honda Bay, wow ibang klase talaga..Kung tutuusin ay napakayaman ng Pilipinas sa pagkakaroon ng mga ganitong lugar at tanawin.




Maari bang mawala sa picture taking ang pagdapa sa buhanginan....mag-ala marina o dyesebel pa..



Mas masaya ang pasyal kung may kasama ka syempre..yun bang you can be out of this world dahil ibang kapaligiran ang kinaroroonan mo.




Isa sa dinadayo sa Puerto Princesa ang Crocodile Farm. Na ayon sa mga taga roon ay gobyerno ang namahala. Konti lang ang budget na nilalaan dito kung kaya't sabi nila ang paglaki ng mga buwaya dito ay mabagal. dun namin nkilala si kikay ang alaga ni mang kiko.


At getting ready for the main purpose ng pagpunta sa palawan ang pagbisita sa world heritae na meron ang Pinas. Ang isa sa mga nominado for the new seven wonders of nature, ang Puerto Princesa Subterranean Underground River. Really amazing the power of God. Mula sa mga minerals galing sa bundok naging iba't ibang imahe ang mga ito. May katedral, kung saan may imahe ni Mama Mary, Holy Trinity, Three Kings, at si Jesus Christ. May parte din ng ilog na ang tawag ay market, kung saan ibat ibang klase ng gulay ang mayroon, may mais, mushroom, kakaw, bawang, at isipin mo na lang may bacon pa. Mayroon din doong EDSA at MRT. At maniniwala ka ba na ang pinakamataas na ceiling doon sa loob ng kweba ay tinatawag na Eiffel Tower? Sabi kasi ng boat man namin, pag tumingin ka daw sa itaas ng Eiffel Tower, Your Eyes Full of Water..(sana na gets, just read it sounds like eiffel tower.hehehe..)


Lets support the Underground River to be one of the New Seven Wonders of Nature...Viva Pilipinas..
Be Proud we are PINOY..Proud to be one..






Friday, November 14, 2008

P.E.T

Puso'y tumibok sa unang sulyap

Ewan kung bakit ba ikaw ang nakita

Tulirong puso ko'y nabihag talaga.



Palad mong makinis ng minsang makadaupan

Evacuate ang kuryenteng dala-dala

Tila sanlibong boltahe ang tumama sinta


Plaka ng iyong kotse memoryado na yata

Elisi ang mata pagnatanaw na parating ka na

Todo ang kaba pagkaharap ka na.

Wednesday, November 12, 2008

bohol trip

Ito ang 2nd day ng aming trip last year. Medyo hindi kasi namin napaghandaan ng mabuti ang byahe naming ito. Mula sa Manila lumipad kami patungong Cebu City, at pagdating namin dun ay konting pahinga at bumili ng pagkain na aming babaunin papuntang Bohol. Sumakay kami sa isang ferry, nakakatuwa pa nga ang name ng sinakyan namin instead of SuperFerry, SuperCat sya, yun pala ay under din xa ng company ng Superferry..hehehe..Sa mga nakakita ng picture na ito ang akala nila ay cut and paste lng? Mukha ba itong cut and paste??hehehe...Chocolate Hills sa Carmen Bohol ang isa sa maraming tanawin na tunay na maipapagmamalaki ng ating bansa. God's work is really amazing.

ang una naming pinuntahan sa bohol ay ang tagbilaran church. xempre dahil nasa kabayanan ang crescent hotel dumaan muna kami ng church bago kami nagpakasaya sa pamamasyal.



Wonderful isn't it? Sana makabalik kami d2 ng mga kaibigan ko.

Thursday, November 6, 2008

Trip to Cebu

e2 yung details ng first trip ko na sumakay ako ng airplane..yahoo....
Ang saya ng trip nmin sa Cebu last year. Naalala ko p na as early as August nakapagpabook na kami sa Cebu Pacific ng aming ticket. Hindi dahil sobrang excited kami gumimik kundi dahil sa mga promo ng ticket. ito ang unang lugar na narating nmin sa Cebu..Cebu International Convention Center.


at dahil adik ako sa picture, habang tinatahak nmin ang tulay ng na naghihiwalay sa Lapu-Lapu City at Mandaue City, tumigil kami sandali para magpapicture..hehehehe.

Kailangan kc meron kming makuha na pic na may nakalagay na WELCOME..






Kuha ito sa Marco Polo Hotel..isang five satr hotel sa Cebu..(because we can't afford the accomodation there..tamang coffee lang ang dinayo namin d2..ang saya at bonggacious talaga)...



Dahil sa Cebu nga kami nagpunta, hindi pwedeng hindi namin bisitahin ang isang magiting na bayani ng ating bayan..Si Lapu-Lapu..he look sexy in his bahag..hehehe
(Mactan Shrine)



Ito ang Cebu City from the TOP...parang tagaytay din ito d2 sa Luzon.

Syempre pa hndi ako nakarating sa Cebu ng mag-isa...kasama ko ang mga friends ko na sina Josie at Daisy.....







Tuesday, October 21, 2008

my "pet2"

i never thought this day would come, that i will right these things in the net. matagal kong pinagmunimunihan kung ilalahad ko na ba ang mga gusto kong sabihin. masyado yatang mahaba ang tatlong taon para sa desisyon. sana nga maisulat ko ito ng maayos. ang gulo ko no. si pet2 pa rin pala ang dahilan ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko. sa totoo lang, hindi ako sanay na tinatawag syang pet2. parang ang sakit sa tenga kc pakinggan e. i call him by his first name. ako lang yata d2 sa company namin ang tumatawag sa kanya ng ganun. mas gusto ko kc yung name nya kesa sa nickname nya. nitong nakaraang buwan may nasulat ako sa aking kwaderno na isang kwento. isang kwento na naisulat ko after 3 long years. ito ang pangalawa kong kwento. may naisulat n din kc ako 3 yrs ago. ang topic???syempre sino pa nga ba.hehe..sounds crazy pero totoo talaga..sabi ng ilan kong kaibigan ano ba daw ang nakita ko sa kanya at hanggang ngayon ay nasa sistema ko pa rin sya.? ang lagi kong sagot..hindi ko rin alam. basta nagigising ako araw araw na siya ang naiisip ko, at sa araw araw na nkikita ko sya d2 sa office, hay...magkakahalong sakit at ligaya sa puso ang hatid. at bakit may sakit? dahil wala namang "kami". hindi kami magkaibigan at lalong hindi lovers. isang pangarap lang sya, na kahit anong lapit ganun kahirap naman abutin. kulang na nga lang iumpog ng kung sino man ang ulo ko para lang makalimutan ko sya at ng magising na ako sa katotohanan, kahit anong gawin ko pa, kahit maubos na ang lahat ng babaeng nasa paligid nya, hindi pa rin ako ang pipiliin nya:(...sayang na pagmamahal binibigay ng kusa ayaw naman tanggapin..gusto ko na yatang mapagod..sa next post ko na lang yung kwento..senti lang ako today e..sana ako na lang pet!!!

Friday, June 13, 2008

magulong tula

maamo mong mga mata
pag nasilayan ay anong saya
at kapag ngumiti ka na
na may kasama pang tawa
di mo lang alam aking sinta
puso koy anong ligaya

sa pagdaan ng mga araw
na lagi kang natatanaw
isipan ko'y di maglinaw linaw
puso koy tila natutunaw
alam kong ang tulad ko
ay hindi nababagay sa iyo
sino nga ba naman ako
isang baliw na umiibig sayo.

di man ako ang pinili mo
na maging bahagi ng buhay mo
ito lang ang pangako ko
sa puso koy lagi kang narito

sayang at may mahal ka ng iba
sayang at ngayon lang tayo nagkita
sayang at ngayon pa lng nagkakilala
sayang talaga aking mahal.


minsan sa aking buhay
pinangarap ay ikaw
buhay ay napuno ng kulay
naging pula, puti, asul at dilaw

tinig mo'y umaalingawngaw
mukha mo'y nasa balintataw
sana nga'y di na matapos pa
ligayang aking nadarama

sa isipan ko'y wag ng mawala pa
ngunit sa pagkisap ng mata
tuluyan ng naglaho na
o kay lungkot aking mahal
ito pala'y panaginip lang.

Monday, June 2, 2008

tula ni idol edong

Ano Nga Ba Ang MeRon?

unang stanza pa lamang
alam ko na ang patutunguhan
hindi ako magkandatuto
nangingiti, kahit masakit ang ulo

saan ko ba pwedeng ikumpara
ang tulang aking nabasa
sadyang ito ay kakaiba
walang pwedeng ikumpara..

mas matamis sa asukal ng tuRon
kung kumapit mas mahigpit pa sa sintuRon
maingay pa sa sampung miRon
at mas malinamnam pa kesa pulbuRon

ang lakas ng dating parang si Cosme
matayog parang sarangola ni Pepe
matambok parang puwet ng higante
maingay parang si mam ___, hehe

ipagpatuloy ang nakagawian
isulat sa tula ang nararamdaman
masaya, malungkot, kahit ano pa man
maski na panaginip lamang...

Friday, March 7, 2008

level ZERO

Zero is the start of Every little thing. Randomly the feeling is On its grow. Never miss Each day loving You.

Wednesday, March 5, 2008

one good morning!

"rei" yan ang tawag sa akin ng mga taong mas matanda sa akin, sa mga nagmamahal sa akin, at yung mga taong natural yung pagiging malambing. i never thought that "he" would also use rei as his endearment to me...hehehe..everytime i hear him say my name my heart stop beating in a moment. this morning is not the usual morning i used to have..i got a smile, a rei and i feel proud of him again..we are not romantically related but we are friends.(friends pag wala siyang toyo). i got a good morning for he called "rei" in front of his subordinates, though he would just like to ask some queries about our meeting yesterday(at nataranta daw ako sa pagsagot). whew...

Monday, February 4, 2008

leaving on a jet plane

"Passenger bound to Cebu please be ready for boarding", narinig ko habang naghihintay sa waiting lounge ng MIA. Naalala ko tuloy nung ako ay isang paslit pa. Sa tuwing kami ay dadalaw sa isang kamag-anak sa Maynila ay nakikipag unahan ako sa kapatid kong bunso na maupo sa may tabing bintana ng bus. Ito ay upang aking mapagmasdan sa malapitan ang eroplano na tanging sa himpapawid ko lamang natatanaw dahil wala namang airport sa Laguna. Kaya't sa tuwing dadaan na ang bus sa may parteng iyon ng SLEX ay talagang ako ay nasasabik na makita ang higanteng eroplano sa aking paningin. Ibang kasiyahan ang dulot nun sa akin At sa aming pagbalik sa Laguna (kung may araw pa) ay dun ako muli nakapwesto, at sa mas malapitan ko pa ito natatanaw. Sa aking musmos na kaisipan ay sumagi ang isang pangarap na pag ako ay lumaki na ay makakasakay din ako ng eroplano. At yun nga ang aking munting pangarap ay nabigyan ko ng katuparan ng kming magkakaibigan ay nagpunta ng Cebu. Habang nalalapit ang araw ng pagpunta namin ng Cebu ay hindi ko maiwasan ang maexcite dahil sa unang pagkakataon ay makakasakay din ako ng eroplano. Lingid sa kaalaman ng aking mga kaibigan ang aking nararamdaman ay kaba at kagalakan habang kami ay nasa himpapawid...Ganun pala ang pakiramdam ng nakasakay sa eroplano, nakakatuwang isipin na inabala ko talaga ang aking sarili sa pagbabasa ng safety precaution ng eroplano in case of emregency..natuwa ako dahil may demo pala dun kung paano gamitin ang mga gadgets, ang akala ko din ay may souvenir akong maiuuwi galing sa eroplano yun pala ay wala dahil ipinagbibili pala dun ang souvenir items, at tunay ngang magaganda at gwapo ang mga flight attendant...Isang karanasang hindi ko makakalimutan ang naging byahe naming magkakaibigan iyon. Sa 45 minutes na byahe papunta ng Cebu, at 45 minutes pabalik ng Maynila, I can really sing na...I'm leaving on a jetplane.....