Wednesday, December 23, 2009

Never Thought

(Magrelate sa last post)

Ngayong lang muli ako nagkaroon ng pagkakataon na makapgpost. Ang tagal na din pala pero napakabilis lumipas ng mga araw at buwan. Akalain ko bang may limang buwan na din pala ang nakaraan. July 27 pala ang huling post ko, at dito ay inilahad ko na may kakaibang lungkot akong nararamdaman. Hindi ko sukat akalain na iyon pala ay isang paghahanda sa isang napakalungkot na pangyayari makalipas ang isang linggo. Isang linggo makalipas ang huli kong post, nilisan kami ng nag iisa kong kapatid. Ang lungkot at dalamhati ay hindi ko inaasahan. Sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. May ilang linggo din na tuwing gabi ay impit n iyak ang aking pinapakawalan. Halos hindi ko matanggap na talagang wala na ang kapatid ko.

Monday, July 27, 2009

I am not feeling well

may mga araw sa buhay ko n hndi ko alam kung bakit nalulungkot ako. hindi ko alam kung naturalesa ko ba talaga ito o sadyang may mga ganitong pagkakataon lang talaga. tulad ngayong araw na ito. hindi ko alam kung bakit iba na naman ang pakiramdam ko. masama ang loob ko. pero wala akong masabihan kung bakit nga ba. kagabi may napanood ako sa tv tungkol sa mga signs to change your carreer. naging intresado ako at somehow ang ilan sa mga iyon ay aking nararamdaman na ngunit patuloy kong pinaglalabanan. hindi ko alam kungako ang may problema o ang mundong ginagalawan ko, ang mga tao ba sa paligid ko o ang mga bagay na hindi ko na kayang intindihin pa. nahihirapan ako sa sitwasyon ko. naturingang kahit papano ay may posisyon din naman ako pero hindi ko naman maramdaman dahil wala naman yata akong pagkakataon na maramdaman yun. hindi naman ako maramot pagdating sa trabaho ko pero bakit ganon? ako ang pinagdadamutan ng trabaho. lahat ng bagay na pwede kong ituro naituro ko na, pero bakit ganun yung sa kanila ayaw nilang ituto?..hidni naman sa naghahangad ako ng iba pa, ang sa akin lang ay maramdam ko din na kailangan nila ako. ako nga ba ang may problema? ginagawa ko naman ang lahat para sa work ko pero bakit ganun? parang hindi sapat para sa kanila. ayaw nila sa akin pero ayaw naman nila sabihin. hndi ko alam kung pinaparamdam ba nila na hindi nila ako gusto? i need to change my carreer na nga ba? pero mahal ko ang trabaho ko at ang mga tao dito. pero hindi naman nila ako mahal. wala na akong ibang malapitan at mapagkatiwalaan dito pero ayoko silang mawala sa buhay ko. nagpupumilit lang ba ako sa mundong gusto kong galawan na ayaw naman sa akin o itinatakwil na nga ba nila ako sa buhay nila? mahirap paglabanan ang nararamdaman ko, pero ayokong magkamali sa magiging desisyon ko. sana pagdating ng araw maliwanagan din ako....

Thursday, April 9, 2009

Loved by Nanay

Last March 25, I undergone surgery on my left ovary, this is due to the cysts found inside it. My first time to get hospitalized with those dextrose in my right hand. My first time to be the apple of the eye of my nanay. Its not that I am not the favorite of my nanay but its the first time that I have to cause her nervous and helpless. The day we went to the hospital she did not take her breakfast. She cannot eat th food serve by the hospital for i am in the operating room. She still cannot eat until I wake up late afternoon. And when I wake up she's there staring and saw the relieve in her eyes that i am safe. She cannot stay in the hospital for the night maybe she don't wanna hear me whisper pain whenever the nurse inject the pain reliever in my dextrose. but she still comes the next morning with my tatay. Until I got home, she's still there at my side always. It was like somebody will hurt me or may fall to the floor. I really love her. She doesnt even care if she bathed me. Its like Im a little baby once again. No one can really surpass the love given by any mother to her child. I know my nanay love me so much. With all the love she is giving me right now at my lowest capability nothing more can I ask.

Wednesday, January 28, 2009

Single to Singles

Last week is not at all a bad week. Though officially ngstart na ang effect ng global crisis sa company namin (4days a week ang pasok), there's something happen na hindi ko inaasahan. Ilang beses ko ba narinig ang "single" na word those 3 days na wala akong pasok?. Nung nagpunta ako sa Smart para sa retention ko, that was friday, ask ako ng sales agent if single (1) pa ako. Habang nglulunch kami ng nanay ko nung Saturday tinanong nya ako kung gusto ko sumali sa (2) Singles for Christ, sabi ko nmn pag iisipan ko pa. That night also, habang kinikilig ako sa MMK starring Frenchy Dy and Janus del Prado, one of the scene there was Frenchy says that she joins (3) Singles for Christ to meet new friends. Come Sunday, habang ako ay nasa byahe pa naisip ko yung invitation ni nanay kaya ngtext ako sa kanya na iparegister ako sa (4) Singles for Christ pag ngstart na. At dahil start of the week na ulit, back to work na. Kahapon may dumating kmi n bisita na taga bank si Ms. Leo, konting chikahan, at dahil memeber sya ng NBSB (no BF since Birth) nkrelate ako sa kny..hehehe..Sa aming kwentuhan nabanggit nya ang (5)single status nya, at ang (6)Singles for Christ. Sabi ko nmn pinag isipan ko n tlg kung mg join nga ako sa Singles. Ang pinakhuli, habang ngkkwentuhan kami ng housemates ko, nabanggit ni Lyn na need ko daw mag join sa (7) Singles for Christ para makmeet ng new friends. Whew..Hindi man sinasadya naisip ko siguro nga kailangan ko ang Singles for Christ para maimproved ko pa ang sarili ko at mahanap ko ang matagal ko ng hinahanap, mapayapang kalooban at isipan.

Saturday, November 22, 2008

next stop...puerto princesa palawan

As early as July nakapagpabook na kami ng mga kaibigan ko sa Cebu pacific para sa aming bakasyon. Ang aming destinasyon???? Puerto Princesa Palawan...Kakaibang kasabikan na naman ang naramdaman ko. As in excited ang lola. I even planned to wear two piece swimsuit.(hahaha)..kunyari may kayang ipakita kahit puro likod lang. Sayang daw kasi ang view kung hindi mo babagayan ng magandang attire..

Isa ang Puerto Princesa sa lugar na napuntahan ko na napakalinis ng kapaligiran. Bigla tuloy akong nahiya na magkalat. Feeling ko magkamali lang ako ng tapon ng balat ng kendi ay krimen ang magagawa ko. At totoo pala na may parusa ang mahuli na magkalat doon, kahit pa sabihing turista pa.


Nakakatuwang isipin na kahit may krisis sa buong mundo ay nagkaroon pa rin kami ng time na makapagrelax. Kasi naman kung iisipin mo ang problema ng buong mundo, ay naku mawiwindang ka lang at hindi makakahanap ng solusyon. Maybe meron but not enough to solve the global crisis.



Syempre pa hindi pwedeng mawala sa activities ng pagpunta sa palawan ang pamamasyal sa beach..Island hopping sa Honda Bay, wow ibang klase talaga..Kung tutuusin ay napakayaman ng Pilipinas sa pagkakaroon ng mga ganitong lugar at tanawin.




Maari bang mawala sa picture taking ang pagdapa sa buhanginan....mag-ala marina o dyesebel pa..



Mas masaya ang pasyal kung may kasama ka syempre..yun bang you can be out of this world dahil ibang kapaligiran ang kinaroroonan mo.




Isa sa dinadayo sa Puerto Princesa ang Crocodile Farm. Na ayon sa mga taga roon ay gobyerno ang namahala. Konti lang ang budget na nilalaan dito kung kaya't sabi nila ang paglaki ng mga buwaya dito ay mabagal. dun namin nkilala si kikay ang alaga ni mang kiko.


At getting ready for the main purpose ng pagpunta sa palawan ang pagbisita sa world heritae na meron ang Pinas. Ang isa sa mga nominado for the new seven wonders of nature, ang Puerto Princesa Subterranean Underground River. Really amazing the power of God. Mula sa mga minerals galing sa bundok naging iba't ibang imahe ang mga ito. May katedral, kung saan may imahe ni Mama Mary, Holy Trinity, Three Kings, at si Jesus Christ. May parte din ng ilog na ang tawag ay market, kung saan ibat ibang klase ng gulay ang mayroon, may mais, mushroom, kakaw, bawang, at isipin mo na lang may bacon pa. Mayroon din doong EDSA at MRT. At maniniwala ka ba na ang pinakamataas na ceiling doon sa loob ng kweba ay tinatawag na Eiffel Tower? Sabi kasi ng boat man namin, pag tumingin ka daw sa itaas ng Eiffel Tower, Your Eyes Full of Water..(sana na gets, just read it sounds like eiffel tower.hehehe..)


Lets support the Underground River to be one of the New Seven Wonders of Nature...Viva Pilipinas..
Be Proud we are PINOY..Proud to be one..






Friday, November 14, 2008

P.E.T

Puso'y tumibok sa unang sulyap

Ewan kung bakit ba ikaw ang nakita

Tulirong puso ko'y nabihag talaga.



Palad mong makinis ng minsang makadaupan

Evacuate ang kuryenteng dala-dala

Tila sanlibong boltahe ang tumama sinta


Plaka ng iyong kotse memoryado na yata

Elisi ang mata pagnatanaw na parating ka na

Todo ang kaba pagkaharap ka na.

Wednesday, November 12, 2008

bohol trip

Ito ang 2nd day ng aming trip last year. Medyo hindi kasi namin napaghandaan ng mabuti ang byahe naming ito. Mula sa Manila lumipad kami patungong Cebu City, at pagdating namin dun ay konting pahinga at bumili ng pagkain na aming babaunin papuntang Bohol. Sumakay kami sa isang ferry, nakakatuwa pa nga ang name ng sinakyan namin instead of SuperFerry, SuperCat sya, yun pala ay under din xa ng company ng Superferry..hehehe..Sa mga nakakita ng picture na ito ang akala nila ay cut and paste lng? Mukha ba itong cut and paste??hehehe...Chocolate Hills sa Carmen Bohol ang isa sa maraming tanawin na tunay na maipapagmamalaki ng ating bansa. God's work is really amazing.

ang una naming pinuntahan sa bohol ay ang tagbilaran church. xempre dahil nasa kabayanan ang crescent hotel dumaan muna kami ng church bago kami nagpakasaya sa pamamasyal.



Wonderful isn't it? Sana makabalik kami d2 ng mga kaibigan ko.